Di kaila sa inyo ay may nalimbag na bagong aklat na naglalaman ng mga halimbawa ng pagsasalin ng Tagalog-Ingles at ng sanaysay tungkol sa ibat-ibang bagay. Makatutulong sa inyong pag-aaaral ng wikang Filipino ang magkaroon ng aklat na ito. Hindi lamang halimbawa ang nilalaman ng aklat na ito. Mayroon ring kaunting gabay sa pagsasalin at sa pagsulat ng sanaysay. Ang aklat na tinutukoy ko ay ang ebook na Pagsasalin at Sanaysay sa Wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri kung paano naisulat ang mga halimbawang pagsasalin at sanaysay, magkakaroon ka ng ideya kung paano gumawa ng sarili mong takdang sulatin. Orihinal at may kalidad ang mga halimbawang pagsasalin at sanaysay. Nakasisiguro ka na maayos ang pagkagawa ng mga halimbawa bunga ng ito ay isinulat ng isang taal na gumagamit ng wikang Tagalog at nag-aral ng pamamahayag sa Pamantasan ng Pilipinas.
Ang mga pagsasalin ay hango sa mga liriko ng awit hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Kung nabasa na ninyo sa wikang Ingles ang mga pananalita ni Pangulong Abraham Lincoln sa pinaglabanan sa Gettysburg ay matutuwa kayo dahil may pagsasalin sa Tagalog sa aklat ang talumpating ito. Ang liriko ng makabayang awiting Bayan Ko na orihinal na nilikha sa wikang Tagalog ay naisalin sa aklat na ito sa wikang Ingles. Ang panalangin ni San Francisco ng Asisi at ang unang pananalita ng Pangaral sa Kabundukan ni Panginoong Hesukristo ay naisalin din mula sa Ingles na bersiyon ng mga ito.
Marami kang mapapagpilian sa mga tulang isinalin mula sa orihinal na Ingles tungo sa wikang Filipino. Ang mga tulang ito ay orihinal na akda ng manuulat ng aklat at hindi kinopya lamang kung saan-saan. Ang mga tula ay may tema ng pagsisikap at papupursigi upang makamit ang pangarap na hinahangad. Makatitiyak kayo na tama ang pagsasalin sa kadahilanang iisa ang sumulat ng orihinal at ng pagsasalin.
Repasuhin mo ang mga gabay at aral tungkol sa pagsulat ng sanaysay para magkaroon ka ng ideya kung paano mo susulatin ang sanaysay na itinakda ng iyong guro. Sundan ang mga dapat gawin upang hindi ka maging biktima ng writer’s block at mahinto ang pagsulat ng iyong sanaysay. Suriin mo ang mga halimbawa at matuto kung paano hinahabi ng manunulat ang mga salita at katagang kanyang ginamit sa paggawa ng kanyang obra. Basahin mo ang tungkol sa pagkakaroon ng sariling musa na magsisilbing inspirasyon at gabay mo sa paggawa ng sarili mong sanaysay.
Tunghayan ang mga halimbawang sanaysay na tumatalakay sa ibat-ibang paksa. Mga sanaysay tungkol sa alagang hayop, isyung kontobersyal, edukasyon, wika, pananalapi, at sarili ang matatagpuan sa aklat na ito. Hindi kinakailangang kasing haba ng mga halimbawang sanaysay ang gagawin mo. Ang mahalaga ay mayroon kang malinaw na punto na nais mong ipahayag sa iyong mambabasa. Suriin kung paano tinalakay ng may-akda ang mga paksang napili niyang sulatin. Madali kang makagagawa ng sarili mong sanaysay kung mayroon kang mahusay na huwaran na pwede mong gawing batayan ng iyong sariling sanaysay.
Mabibili na po sa may-akda ang ebook na Pagsasalin at Sanaysay sa Wikang Filipino. Nalimbag po ang aklat na ito sa mga format na epub at mobi. Tingnan ang nilalaman at alamin kung paano mabibili ang ebook na ito.