Monday, April 16, 2018

Matuto ng Higit Pa sa Wikang Tagalog Gamit ang Ebooks

May ilan pong bagong ebooks na makatutulong upang pagibayuhin pa ang inyong kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Wikang Tagalog ang pwede na po ninyong mabili. Kabilang po dito ang mga sumusunod na ebooks: Learn More Tagalog, More About Tagalog, at Pagsasalin at Sanaysay sa Wikang Filipino. Lahat po ng aklat na ito ay sinulat ng isa sa mga Pilpinong naunang nagturo ng Filipino language online. Taal na nagsasalita po ng Tagalog ang sumulat ng mga aklat kaya nakasisiguro po kayo.

More About Tagalog Ebook










Magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa Wikang Filipino upang maipasa ang araling ito sa inyong paaralan. Ipinakikita ng ebook na ito kung paano nakakabuo ng mga akmang salita gamit ang mga kakaibang katangian ay pamamaraan ng Tagalog language. Ang aklat ay nagbibigay din ng maraming halimbawa ng mga salitang ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pakikipag ugnayan sa isat-isa. Makatutulong ang aklat na ito sa mga bago pa lamang natututong gumamit ng wikang Filipino. Tingnan ang detalye.

Learn More Tagalog Ebook










Sa mga nais na suriin ang kalaliman ng wikang Filipino bagay na bagay po ang ebook na ito. Pwede pong gamitin na supplementary material para sa textbook ng araling advanced Tagalog. Itinuturo po ng ebook na ito kung paano ang mga kakaibang katangian at pamamaraan sa wikang Filipino ay gumagana. Hindi po academic ang approach ng ebook na ito bagkus ay ipinakikita kung paano ang wikang Filipino ay aktuwal na ginagamit ng mga Pilipino. Tingnan ang detalye.

Pagsasalin at Sanaysay sa Wikang Filipino










Sa ebook na ito po kayo makakakuha ng mga orihinal at de kalidad na halimbawa ng pagsasalin sa English at Filipino at mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa ibat-ibang bagay sa buhay ng tao. Ipinakikita po ng libro ang isang uri ng pagsasalin na diretsahang paglilipat ng kahulugan mula sa pinanggagalingan patungo sa pupuntahang wika. Ang mga sanaysay na halimbawa ay orihinal at maayos ang pagkasulat pwedeng-pwede pong gamiting huwaran o modelo para makagawa ng mahusay na sanaysay ang mag-aaral. Tingnan ang detalye.

Tungkol sa May-Akda

Ang may-akda ay sumusulat buhat sa Maynila, bansang Pilipinas. Siya po ay nag-aral ng pamamahayag, pampublikong pangangasiwa, at teknolohiya ng impormasyon. Siya po ay nagbuhat sa lalawigan ng Batangas at taal na nagsasalita ng wikang Tagalog.